National ID project bokya sa pondo

DALAWANG taon mula nang maisabatas ang National ID Law, hindi pa rin naisasakatuparan ang ID project dahil wala pa ring pondong inilaan para dito, ayon kay Senate Pro Tempore Ralph Recto.

national id project bokya sa pondo - National ID project bokya sa pondo
national id - National ID project bokya sa pondo

DALAWANG taon mula nang maisabatas ang National ID Law, hindi pa rin naisasakatuparan ang ID project dahil wala pa ring pondong inilaan para dito, ayon kay Senate Pro Tempore Ralph Recto.

Sa budget deliberation sa Senado ng panukalang 2020 budget ng National Economic and Development Authority (NEDA), tinanong ni Recto si Senador Sonny Angara, chairman ng Senate finance committee, kung magkano ang inilaang pondo para sa national ID project.

Pero sagot ni Angara, wala umanong alokasyon para sa naturang proyekto sa taong 2020. “Zero,” ani Angara.

“What is provided is a P2.4 billion unprogrammed appropriation which at best is a tentative allocation dependent if new loans can be raised,” paliwanag ni Recto.

“But even if the P2.4 billion will materialize, it is only about 42% of what is needed to fully meet the project’s objectives and deliverables next year,” dagdag pa nito.

Ibig sabihin nito, sa halip na 14 milyon ang magpaparehistro para sa ID project, aabot lamang sa 6.3 milyon ang makaka-avail nito.

Sa orihinal na plano ng proyekto, 14 milyon ang inaasahang ma-enrol dito, 52 milyon sa 2021, kabilang ang 5 milyong overseas Filipino, at 44 milyon na local resident kasama ang 5 milyong OFW sa 2022.

“The tunnel-end vision is to register 110 million Filiupino citizens and resident aliens and 10 million Filipinos abroad in what is official called the PhilSys by 2022,” ani Recto. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *