Natenggang 6 buwan sahod sa BARMM, binayaran na

Natenggang 6 buwan sahod sa BARMM, binayaran na

MATATANGGAP na ng mga opisyal at kawani ng Bangsamoro Auto-nomous Region for Muslim Mindanao (BARMM) ang naantalang anim na buwang suweldo.

The post Natenggang 6 buwan sahod sa BARMM, binayaran na appeared first on Abante News Online.

natenggang 6 buwan sahod sa barmm binayaran na - Natenggang 6 buwan sahod sa BARMM, binayaran na
bangsamoro 1 - Natenggang 6 buwan sahod sa BARMM, binayaran na

MATATANGGAP na ng mga opisyal at kawani ng Bangsamoro Auto-nomous Region for Muslim Mindanao (BARMM) ang naantalang anim na buwang suweldo.

Ito ay matapos ipa-labas ng gobyerno ang tinatayang P59mil-yon-P69milyong pondo para sa kabuuang anim na buwang suweldong hindi agad naibigay ng national government.

Sinabi ni BARMM Chief Minister Al Haj Murad na kaya naantala ng anim na buwan ang kanilang suweldo dahil hindi kasali sa 2019 national budget ang pondo para sa kanila.

Nagsimulang magtrabaho aniya ang BARMM nito lamang Pebrero kaya ang na-tirang pondo ng d­ating Autonomous Region for Muslim Mindanao ang kanilang ginamit at pinagkakasya sa ngayon.

Nauna rito ay kinalampag ng Malacañang ang Department of Budget and Management (DBM) sa pamamagitan ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos ipara-ting ng BARMM officials na hindi agad mailarga ang mga nakalinyang programa dahil wala pa silang pondo.

“Maganda ang pagtanggap ng Presidente sa mga ginagawa sa BARRM at pinayuhan k­aming ipagpa-tuloy lamang ang trabaho dahil suportado niya ito, lalo na ang g­inagawang proseso sa rehiyon,” ani Murad. (A­ileen T­aliping)

The post Natenggang 6 buwan sahod sa BARMM, binayaran na appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *