Natakot sa shoot to kill! Mga sumuko lagpas sa GCTA list

PUMALO sa higit 2,000 ang bilang ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na sumuko at nasa kustodiya na ng Bureau of Corrections (BuCor) sa pagtatapos ng binigay na deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte at babalang shoot to kill sa mga pugante.

natakot sa shoot to kill mga sumuko lagpas sa gcta list - Natakot sa shoot to kill! Mga sumuko lagpas sa GCTA list
Abante kulong - Natakot sa shoot to kill! Mga sumuko lagpas sa GCTA list

PUMALO sa higit 2,000 ang bilang ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na sumuko at nasa kustodiya na ng Bureau of Corrections (BuCor) sa pagtatapos ng binigay na deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte at babalang shoot to kill sa mga pugante.

Nasa 1,914 PDL lamang ang nasa listahan ng maagang pinalaya dahil sa maling aplikasyon ng expanded Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law subalit higit pa rito ang sumuko.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Spokesperson at Undersecretary Markk Perete, tinanggap pa rin ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga PDL o convict na nagsisuko bagaman wala naman ang kanilang pangalan sa listahan.

“Apparently, tumanggap ng kahit hindi kasama sa original 1,914 na surrenderers itong si BuCor… 1,950 ‘yung mga na-receive na ng BuCor actually in their custody na PDLs,” ayon kay Perete kahapon bagama’t tumaas pa ang bilang na ito.

Dahil sobra-sobra ang bilang ng mga surrenderer, minarapat ng DOJ na ipatigil muna sa PNP ang pagtugis at pag-aresto sa mga heinous crime convict na hindi dapat nakinabang sa GCTA.

Aminado rin ang DOJ na maraming mali sa orihinal na listahan ng BuCor kaya nais muna nilang malinis ang listahan para hindi naman daw masayang ang resources ng gobyerno sa pagtugis sa mga indibidwal na hindi naman dapat arestuhin.

Sinabi naman ni NCRPO chief Major General Guillermo Eleazar na tata­lima sila sa utos ng DOJ na ipatigil ang pag-aresto sa mga convict hangga’t hindi naaayos ang listahan ng GCTA. (Lorraine Gamo/Armida Rico/Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *