Natakot kay Duterte: Pugante sa GenSan sumurender

arrested-tiklo

SA takot kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa deadline na ibinigay sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na nakinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA), isang pugante sa Apopong Municipal Jail sa General Santos City, ang nagpas­yang sumuko kamakakalawa nang hapon sa Manila Police District (MPD) Headquarters sa Maynila.

natakot kay duterte pugante sa gensan sumurender - Natakot kay Duterte: Pugante sa GenSan sumurender
arrested tiklo - Natakot kay Duterte: Pugante sa GenSan sumurender

SA takot kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa deadline na ibinigay sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na nakinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA), isang pugante sa Apopong Municipal Jail sa General Santos City, ang nagpas­yang sumuko kamakakalawa nang hapon sa Manila Police District (MPD) Headquarters sa Maynila.

Ito’y sa kabila na hindi naman nakinabang sa GCTA si Ontaner Dimacuta Macarampat, 36, E-trike driver. “Pakiusap po sir, huwag niyo po ako ipo­sas paharap, patalikod na lang kasi pag sa harap yung posas, baka sabihin na lumaban ako, ayoko pong mamatay, gusto ko pa makita at makasama ang pamilya ko,” pagsamo ni Macarampat kay MPD District Director P/Bri. Gen. Vicente Danao Jr.

Sinabi ni Macarampat na may kaso siyang paglabag sa RA 9165 at tumakas siya sa Bilibid noong Marso 2016

Hindi umano napansin ng mga nagbabantay na jailer ang ginawa niyang pagtakas at saka nagtungo siya sa Maynila at dito nagtrabaho.

May inihatid lamang siya at ipinasiya niyang pumasok na sa MPD para sumuko kung saan nilapitan niya si Police Patrolman Louie Rens Crisostomo at nagpatulong para sa kanyang pagsuko.

Inamin niya na matapos niyang marinig sa balita ang banta ni Duterte na hulihin ang mga nakatakas at pinalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) ay lagi na siyang nag-aalala na may nakasubaybay sa kanya para hulihin o kaya’y patayin siya kaya naisipan niyang sumuko sa MPD headquarters. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *