Nasunog na Notre Dame Cathedral muling babangon sa loob ng 5–taon

NANGAKO si French President Emmanuel Macron na muli nitong itatayo ang Notre Dame Cathedral sa loob ng limang taon matapos ang nangyaring sunog nitong Abril 15.

The post Nasunog na Notre Dame Cathedral muling babangon sa loob ng 5–taon appeared first on Abante News Online.

nasunog na notre dame cathedral muling babangon sa loob ng 5 taon - Nasunog na Notre Dame Cathedral muling babangon sa loob ng 5–taon
notre - Nasunog na Notre Dame Cathedral muling babangon sa loob ng 5–taon

NANGAKO si French President Emmanuel Macron na muli nitong itatayo ang Notre Dame Cathedral sa loob ng limang taon matapos ang nangyaring sunog nitong Abril 15.

Napuruhan ng sunog ang bubungan ng 850-anyos katedral.

“We will rebuild the cathedral even more beautifully and I want it to be finished within five years,” pahayag ni Macron sa televised address to the nation, isang araw matapos ang pagsiklab ng sunog.

Naniniwala si Macron na kakayaning maibalik ang ganda ng katedral sa sama-sama nilang pagkilos.

“What we saw last night in Paris was our capacity to mobilise and to unite,” ayon pa kay Macron.

Kung nawasak ang bubungan ng katedral ng Notre Dame, nanatili namang nakatayo ang bell tower habang naisalba ang napakaraming mahahalagang art work ng mahigit sa 400 bumberong nagtulong-tulong na apulain ang sunog na tumagal ng 14-oras.

Samantala, habang nagdadalamhati ang bansa ay ilang bilyonaryo, kompanya at mga lokal na tanggapan ang kagyat na nag-alok ng tulong.

Sa loob lamang ng 24-oras mula nang sumiklab ang sunog ay umabot na sa $1.14 billion ang naipangakong tulong kabilang ang €500 million mula sa tatlong bilyonaryong pamilya na Kering, LVMH at L’Oreal.

Ayon naman kay Paris public prosecutor Remy Heitz walang nakitang indikasyon ng arson sa nasabing trahedya.

The post Nasunog na Notre Dame Cathedral muling babangon sa loob ng 5–taon appeared first on Abante News Online.

1 thought on “Nasunog na Notre Dame Cathedral muling babangon sa loob ng 5–taon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *