Nasawi, sugatang militar sa Samar ginawaran ng Order of Lapu-Lapu

PERSONAL na binisita at pinarangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalong nasawi at nasugatan sa magkahiwalay na engkuwentro sa lalawigan ng Samar.

The post Nasawi, sugatang militar sa Samar ginawaran ng Order of Lapu-Lapu appeared first on Abante News Online.

nasawi sugatang militar sa samar ginawaran ng order of lapu lapu - Nasawi, sugatang militar sa Samar ginawaran ng Order of Lapu-Lapu
ABANTE duterte92 - Nasawi, sugatang militar sa Samar ginawaran ng Order of Lapu-Lapu

Ni Aileen ­Taliping

PERSONAL na binisita at pinarangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalong nasawi at nasugatan sa magkahiwalay na engkuwentro sa lalawigan ng Samar.

Sa kanyang pagbisita sa Camp General Vicente Lukban sa Catbalogan City nitong Miyerkoles, ginawaran ng Pangulo ng Order of Lapu-Lapu na may ranggong Kalasag ang pamilya ng mga sun­dalong nasawi sa ambush ng New People’s Army noong Abril 23.

Ang mga binigyan ng post-humous award ng Pangulo ay sina Corporal Robert Bueno, Corporal Alix Saliwan, Private First Class Arthur Garcia at Private Elben Lagrimas.

Ginawaran din ng Order of Lapu-Lapu na may ranggong Kampilan ang mga sugatang sundalo na kinilalang sina Corporal Eduardo Virgilia Jr., Corporal Mark Lester Amparo, Private First Class Joseph Salonga, Private First Class Mark Louie Lantecsi, Private First Class Mark Kevin Frigillana, Private First Class Joemar Glenn Seligbon, Private Delio Amaro, Private Joseph Renel Gentalian at Private Rex Español. ­

The post Nasawi, sugatang militar sa Samar ginawaran ng Order of Lapu-Lapu appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *