Nasakoteng wanted na Briton ide-deport ng BI

Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaresto sa isang convicted British fraudster na wanted ng mga awtoridad sa Uni­ted Kingdom dahil sa large-scale internet fraud at mo­ney laundering.

nasakoteng wanted na briton ide deport ng bi - Nasakoteng wanted na Briton ide-deport ng BI
Abante kulong - Nasakoteng wanted na Briton ide-deport ng BI

Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaresto sa isang convicted British fraudster na wanted ng mga awtoridad sa Uni­ted Kingdom dahil sa large-scale internet fraud at mo­ney laundering.

Sinabi ni Immigration Commissio­ner Jaime Mo­rente na nakatakdang i-deport si Jared William Ains­worth, 31, na inaresto noong Huwebes sa isang mall sa Taguig City ng mga operatiba mula sa fugitive search unit (FSU) ng bureau.

“We will be deporting him immediately as we already issued an order for his deportation a year ago for being an undesirable alien,” ani Morente.

Inilarawan niya si Ains­worth bilang isang high profile fugitive, na binanggit ang mga ulat na siya at ang kanyang kapatid ay pa­tuloy na nagpapatakbo ng kanilang raket habang nagtago sila sa bansa.

Natuklasan na ang Briton ang nakatatandang kapatid ni Calvin Jason Ainsworth, 25, na inaresto at sinipa ng BI noong nakaraang taon.

Ang magkapatid na nasangkot sa pagsasabwatan sa paggawa ng kanilang mga krimen ay iniulat na tumakas patungo sa Pilipinas noong Setyembre 2015 pagkatapos nilang magpiyansa.

Ayon kay BI intelligence officer at FSU chief Bobby Raquepo, pinagpa­tuloy ng magkapatid ang kanilang raket habang sila’y naninirahan sa Pilipinas. (Mina Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *