#NasaanAngPangulo pakana ng oposisyon – Malacañang

Binakbakan ng Malacañang ang mga kritiko ng administrasyon na siyang may pakana sa nag-trending na #NasaanAngPangulo sa Twitter habang kasagsagan ng pananalasa ang bagyong `Ulysses’.

The post #NasaanAngPangulo pakana ng oposisyon – Malacañang first appeared on Abante.

nasaanangpangulo pakana ng oposisyon malacanang - #NasaanAngPangulo pakana ng oposisyon – Malacañang
tonite harry roquwe - #NasaanAngPangulo pakana ng oposisyon – Malacañang

Binakbakan ng Malacañang ang mga kritiko ng administrasyon na siyang may pakana sa nag-trending na #NasaanAngPangulo sa Twitter habang kasagsagan ng pananalasa ang bagyong `Ulysses’.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na “kalokohan ng oposisyon” ang naturang hashtag.

“Hindi naman po dapat tanungin kung nasaan ang Pangulo dahil ang Pangulo ay palaging nakatutok. This time of technology, nalalaman niya ang nangyayari sa ibat-ibang lugar sa Pilipinas,” giit ni Roque.

“Hindi naman kinakailangan gumagala-gala para malaman kung ano ang nangyayari sa mga lugar na nasasalanta ng traheadya,” sabi pa ng kalihim.

Dagdag pa ni Roque, dapat itigil na ng oposisyon ang ganitong kalokohan.

Noong Huwebes ay nag-aerial inspection si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lugar na dinaanan ng bagyong `Ulysses’. (Prince Golez)

The post #NasaanAngPangulo pakana ng oposisyon – Malacañang first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *