#NasaanAngBisePresidente sablay sa pa-viral

PUMALPAK ang sana’y meme na gustong magpa-viral na hashtag at tweet sa social media na hinahanap si Vice President Leni Robredo sa kasagsagan ng pagbaha sa Mindanao dahil sa Bagyong Vicky.

The post #NasaanAngBisePresidente sablay sa pa-viral first appeared on Abante.

nasaanangbisepresidente sablay sa pa viral - #NasaanAngBisePresidente sablay sa pa-viral
Leni Robredo - #NasaanAngBisePresidente sablay sa pa-viral

PUMALPAK ang sana’y meme na gustong magpa-viral na hashtag at tweet sa social media na hinahanap si Vice President Leni Robredo sa kasagsagan ng pagbaha sa Mindanao dahil sa Bagyong Vicky.

Imbes na mag viral ang #NasaanAngBisePresidente, ay agad nasagot ni Robredo ang tanong sa social media at ipinakita na naroon na siya, kumikilos at naghahatid ng tulong.

“Andito po ako. Kanina pa kami nagco-coordinate sa areas na apektado,” sagot ni Robredo sa Facebook post. Sinagot din nya ang tweet na may larawan ng baha na may caption na “Madam Lenie, where na you?”

Dahil dito ay agad na dinelete o tinanggal na lang ang post.

Ang nasabing hashtag ay kapareho sa #NasaanAngPangulo tag na nag-trend dahil sa hindi umano agad maradaman ang Pangulong Rodrigo Duterte sa kasagsagan ng Bagyong Rolly at Ulysses. Isang bagay na ikinagalit ng Pangulo. (Kiko Cueto)

The post #NasaanAngBisePresidente sablay sa pa-viral first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *