Nars, guro nasagasaan ng 10-wheeler

Patay ang isang nurse at isang guro matapos nilang magulungan ng isang truck sa Cadiz City, Negros Occidental.

The post Nars, guro nasagasaan ng 10-wheeler first appeared on Abante.

nars guro nasagasaan ng 10 wheeler - Nars, guro nasagasaan ng 10-wheeler
patay 20 - Nars, guro nasagasaan ng 10-wheeler

Patay ang isang nurse at isang guro matapos nilang magulungan ng isang truck sa Cadiz City, Negros Occidental.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina nurse John Paul Ladrillo, 30, at teacher John Eurich Depasupil, 28.

Ayon sa awtoridad, sa isang ulat, nagmamaneho si Ladrillo ng kanyang motorsiklo, habang angkas si Depasupil, nang subukan nilang i-overtake ang 10-wheeler.

Nawalan umano ng kontrol sa sasakyan si Ladrillo sa may Barangay Caduhaan at napadpad sila sa landas ng trak na may bitbit na sugarcane.

Dead on the spot ang guro habang patay sa ospital ang nars matapos magtamo ng malubhang sugat.

Sabi ng awtoridad, walang suot ng helmet ang dalawang biktima habang bumibiyahe.

Samantala, sinubukan mang tumakas ay sumuko rin sa pulisya ang drayber ng truck na ngayon ay nakaditene na sa Cadiz City police station. (SDC)

The post Nars, guro nasagasaan ng 10-wheeler first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *