Napulot na P.2M isinoli ng gasoline girl sa Davao City

HINDI nagdalawang-isip ang isang empleyado ng gasoline station na isoli ang napulot niyang bag na naglalaman ng P200,000 sa Davao city.

napulot na p 2m isinoli ng gasoline girl sa davao city - Napulot na P.2M isinoli ng gasoline girl sa Davao City
ABANTE gasoline - Napulot na P.2M isinoli ng gasoline girl sa Davao City

HINDI nagdalawang-isip ang isang empleyado ng gasoline station na isoli ang napulot niyang bag na naglalaman ng P200,000 sa Davao city.

Umabot sa kabuuang P200,026 ang itinurn-over ng pump girl na si Abegail Degamo sa DXAB Radyo Patrol sa istasyon ng ABS-CBN sa Davao City.

Ayon kay Degamo, nakita niya ang bag na sinasaga­saan lang ng mga sasakyan sa harap ng gasoline station kung saan siya nagtatrabaho sa Tigatto Road, Barangay Buhangin at nang buksan, nabigla siya nang makita na may laman itong pera.

Bukod sa pera, may laman din na susi at resibo ang bag.

Ipinanawagan sa radyo, at makalipas ang ilang araw ay pumunta sa istasyon ng ABS-CBN si Cheryl Apilan, staff ng Student Affairs Office ng Davao Merchant Marine Academy College of Southern Philippines at pinatunayan na sa kaniya ang pera.

Labis naman ang pasasalamat kay Degamo ni Apilan at ang nabanggit na halaga ay gagamitin sa intramurals ng pamantasan.

Nais ni Apilan na makipagkita kay Degamo para personal na magpasalamat.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *