Napulot na bag na may ₱10M isinoli OFW kinilala ang katapatan sa Dubai

BINIGYAN ng ­pagkilala ng Bur Dubai Police ­Station ang ipinamalas na katapatan ng isang Pinay barista matapos nitong isoli sa may-ari ang napulot na bag na nag­lalaman ng tinatayang sa P10milyon cash at tseke.

napulot na bag na may e282b110m isinoli ofw kinilala ang katapatan sa dubai - Napulot na bag na may ₱10M isinoli OFW kinilala ang katapatan sa Dubai
abante mo 8 - Napulot na bag na may ₱10M isinoli OFW kinilala ang katapatan sa Dubai

BINIGYAN ng ­pagkilala ng Bur Dubai Police ­Station ang ipinamalas na katapatan ng isang Pinay barista matapos nitong isoli sa may-ari ang napulot na bag na nag­lalaman ng tinatayang sa P10milyon cash at tseke.

Ang napulot na bag ay naglalaman ng mga ­sumusunod Dh195,000 o P2.75 milyon at ­dalawang tseke na ang isa ay Dh500,000(P7 ­milyon) at Dh6,250(P88,000), check booklet, at iba pang mga dokumento.

Nalaman na binigyan ng ­certificate of ­recognition ni Bur Dubai Police ­Station Acting ­Director ­Colonel Rashid ­Mohammed Saleh Al ­Shehhi si Mae Anne ­Olmidillo, ­barista ­matapos itong ­puntahan sa ­kanyang pinagta­trabahuhang ­establisimiyento.

Nabatid na ang ipina­kitang katapatan ni ­Olmidillo ay naka­hanay sa “We Reach You to Thank You” isang inisya­tiba ng Dubai police. (­Juliet de Loza-Cudia)­­

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *