Napagkakaisahan ako – Albayalde

Tila naipako na umano siya sa krus matapos isa pang dating mataas na opisyal ng kapulisan ang nagdikdik sa kanya sa kaso ng mga dati niyang tauhan na umano’y mga “ninja cop”, ayon kay Philippine National Police chief Oscar Albayalde.

napagkakaisahan ako albayalde - Napagkakaisahan ako – Albayalde
albayalde ulit - Napagkakaisahan ako – Albayalde

Tila naipako na umano siya sa krus matapos isa pang dating mataas na opisyal ng kapulisan ang nagdikdik sa kanya sa kaso ng mga dati niyang tauhan na umano’y mga “ninja cop”, ayon kay Philippine National Police chief Oscar Albayalde.

Aniya, sa Senate hearing tungkol sa mga umano’y “ninja cop” nitong Miyerkoles, mukhang pinagtutulungan na umano siya ng lahat.

“It seems that everybody is ganging up on me, I really don’t know. It’s as if I’m being crucified already,” saad niya.

Nitong Miyerkoles, lalo pang nadiin si Albayalde sa isyu ng drug recycling na kinasasangkutan ng dati niyang mga tauhan sa Pampanga Police matapos ibunyag ni retired Police General Rudy Lacadin sa pagpapatuloy ng imbestigayon ng Senado na tumawag sa kanya ang PNP chief hinggil sa nakabinbing kaso noon ng 13 dati niyang tauhan.

Magugunitang una nang binunyag ni dating Criminal Investigation and Detection Group chief Benjamin Magalong at maging ni Philippine Drug Enforcement Agency chief Aaron Aquino na nakialam umano si Albayalde sa kaso ng dati niyang mga tauhan sa Pampanga.

Tumawag umano si Albayalde, Pampanga Police chief noon, para masiguro na hindi masibak ang mga tauhan nito. (IS)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *