Nanay nabagsakan ng puno habang natutulog, tigok

Abante-patay

TODAS ang isang ginang habang mapalad namang nakaligtas ang kaniyang mister at dalawang anak matapos na bumigay ang higanteng puno ng ipil-ipil at nabagsakan ang kanilang tahanan sa kalagitnaan ng malakas na ulan sa Quezon City, Biyernes nang madaling-araw.

nanay nabagsakan ng puno habang natutulog tigok - Nanay nabagsakan ng puno habang natutulog, tigok
Abante patay - Nanay nabagsakan ng puno habang natutulog, tigok

TODAS ang isang ginang habang mapalad namang nakaligtas ang kaniyang mister at dalawang anak matapos na bumigay ang higanteng puno ng ipil-ipil at nabagsakan ang kanilang tahanan sa kalagitnaan ng malakas na ulan sa Quezon City, Biyernes nang madaling-araw.

Sa inisyal na ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), ang biktima ay nakilalang si Omayra Sumala Macapudi, 38, at residente ng Block 3 Arburetum, Barangay UP Campus, QC.

Bandang alas-4:30 nang madaling-araw ay mahimbing umano na natutulog ang mag-anak habang bumubuhos ang malakas na ulan.

Posible umanong lumambot ang lupa na kinatatayuan ng puno ng ipil-ipil saka ito bumigay at bumagsak sa bahay ng biktima.

Isinugod pa ang ginang ng mga rumespondeng rescue team ng barangay sa East Avenue Medical Center pero idineklara itong dead-on-arrival sanhi ng grabeng pinsala sa ulo na nadaganan ng puno. (Dolly ­Cabreza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *