Nakamotorsiklong magpipinsan todas sa ‘overtake’

2 bombero, 1 pulis todas sa salpukan ng bus at AUV sa Quezon

PATAY ang tatlong magpipinsang binatilyong estudyante matapos ang naganap na salpukan ng sinasakyan nilang motorsiklo sa kasalubong na van Huwebes nang tanghali sa bayan ng Bataraza, Palawan.

nakamotorsiklong magpipinsan todas sa overtake - Nakamotorsiklong magpipinsan todas sa ‘overtake’
accident 2 - Nakamotorsiklong magpipinsan todas sa ‘overtake’

PATAY ang tatlong magpipinsang binatilyong estudyante matapos ang naganap na salpukan ng sinasakyan nilang motorsiklo sa kasalubong na van Huwebes nang tanghali sa bayan ng Bataraza, Palawan.

Kinilala ang nasawing biktima na sina Mervin Miranda, 14, drayber ng motorsiklo, Rian Cabanza Miranda, 12; at Johnoder Miranda Abanes, 14, magpipinsan, pawang estudyante at taga-Barangay Sumbiling ng nasabing bayan.

Samantala kusang loob namang sumuko ang suspek na si Joseph Bacosa Maceda, 44, residente ng Brooks Point, Palawan, drayber ng pampasaherong van na nakabanggaan ng motorsiklo ng mga biktima.

Sa ulat na ipinadala ni P/Col. Socrates Fataldo, tagapagsalita ng Region 4-B (Mimaropa), naganap ang insidente alas-12:30 nang tanghali sa kahabaan ng national highway sakop ng Sitio Pirwasan, Brgy. Sumbiling ng nabatid na bayan.

Lulan ng isang Kawasaki Bajaj na motorsiklo ang mga biktima at pauwi na sana sa bahay mula sa eskuwelahan habang ang pampasaherong Hi ace van na minamaneho naman ng suspek ay binabagtas ang kabilang direksyon ng kalsada.

Napag-alaman na nag-overtake ang motorsiklo ng mga biktima sa sinusundang motorsiklo dahilan upang mapunta ito sa kabilang linya at hindi napansin ang kasalubong na van dahilan ng salpukan ng dalawang sasakyan.

Sa lakas ng impact, dead on-the-spot si Mervin habang ang dalawa nitong pinsan ay nakuha pang isugod sa RTNFI Hospital subalit nasawi din ang mga ito sa ospital.

Kusang-loob namang sumuko ang suspek na ngayon ay sasampahan ng kaukulang kaso dahil sa pangyayari. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *