Nakamotorsiklong mag-ama sumalpok sa kotse, patay

crime-scene-patay-dead-body

Nasawi ang mag-ama habang sugatan ang bunsong anak matapos na sumalpok sa kotse ang sinasakyang motorsiklo ng mga ito Linggo nang gabi sa bayan ng Candelaria, Quezon. Dead-on-arrival sa pinagsugurang Peter and Paul Medical Center sanhi ng tinamong grabeng pinsala sa ulo at katawan ang mga biktimang sina Ramilo Dequito, 45-anyos at anak na si […]

nakamotorsiklong mag ama sumalpok sa kotse patay - Nakamotorsiklong mag-ama sumalpok sa kotse, patay
crime scene patay dead body - Nakamotorsiklong mag-ama sumalpok sa kotse, patay

Nasawi ang mag-ama habang sugatan ang bunsong anak matapos na sumalpok sa kotse ang sinasakyang motorsiklo ng mga ito Linggo nang gabi sa bayan ng Candelaria, Quezon.

Dead-on-arrival sa pinagsugurang Peter and Paul Medical Center sanhi ng tinamong grabeng pinsala sa ulo at katawan ang mga biktimang sina Ramilo Dequito, 45-anyos at anak na si Ryan James, 13. Patuloy namang nilalapatan ng lunas ang bunsong anak na si Ramsey, 5.

Ang drayber naman ng Toyota Vios ay mabilis na tumakas matapos ang insidente na ngayon ay pinaghahanap ng pulisya.

Sa ulat na isinumite ng Police Regional Office 4-A sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-9:10 nang gabi sa kahabaan ng Candelaria-San Juan, Batangas Road kung saan lulan ang mga biktima ng motorsiklo na minamaneho ng kanilang amang si Ramilo.

Pagsapit sa Barangay Sta. Catalina ay naganap na ang salpukan ng dalawang sasakyan. Tumilapon ang mga biktima ng ilang metro ang layo sa sinasakyan nilang motorsiklo.

Dahil sa walang suot na mga helmet ay grabeng naapektuhan sa naganap na aksidente sina Ramilo at Ryan James. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *