Nakabakasyon na seaman dedo sa truck

Patay ang isang seaman makaraang mabangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa kasalubong na truck sa Maharlika highway sa Lopez, Quezon kamakalawa.

nakabakasyon na seaman dedo sa truck - Nakabakasyon na seaman dedo sa truck
patay 2 - Nakabakasyon na seaman dedo sa truck

Patay ang isang seaman makaraang mabangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa kasalubong na truck sa Maharlika highway sa Lopez, Quezon kamakalawa.

Kinilala ng Lopez Police ang nasawi na si Lemuel Cezar Arandela, 24-anyos, residente ng Baranfay Talolong.

Batay sa ulat ng pulisya, sakay ng motorsiklo si Arandela at tinatahak ang kahabaan ng highway alas-11:45 nang gabi nang pagsapit sa Barangay Magsaysay ay ma­sabitan ito ng Fuso wing van truck na minamaneho ni Joebert Ayud Hingco, 39.

Ayon sa mga nakasaksi, nag-overtake umano ang truck sa isa pang truck at sinakop ang linya ng motorsiklo na nagresulta sa banggaan.

Nagtamo ang biktima ng mga grabeng pinsala sa ulo at tiyan at nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Magsaysay Memorial District Hospital sa nasabing bayan.

Napag-alaman na ang biktima ay kababakasyon lamang mula sa trabaho sa barko at nakatakda na muling umalis sa susunod na buwan. (Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *