Naiwang P1.2M sa tricycle sinoli ng Binondo tsuper

NAGSILBING inspirasyon si Manila Mayor Isko Moreno kaya nagkusa ang isang tricycle driver na ibalik ang isang bag na pag-aari ng isang Chinese national na naglalaman ng P1,260,000 na naiwan sa kanyang ipinapasadang motorsiklo, kamakalawa nang gabi sa Quintin Paredes St., Binondo,Maynila.

naiwang p1 2m sa tricycle sinoli ng binondo tsuper - Naiwang P1.2M sa tricycle sinoli ng Binondo tsuper
ABANTE Benjie Ordanza - Naiwang P1.2M sa tricycle sinoli ng Binondo tsuper

NAGSILBING inspirasyon si Manila Mayor Isko Moreno kaya nagkusa ang isang tricycle driver na ibalik ang isang bag na pag-aari ng isang Chinese national na naglalaman ng P1,260,000 na naiwan sa kanyang ipinapasadang motorsiklo, kamakalawa nang gabi sa Quintin Paredes St., Binondo,Maynila.

Hindi nagdalawang-isip si Benjie Ordanza, 42-an­yos, ng B4 Row 12 Unit 6 ING, Habitat, Baseco Compound Port Area na ibalik sa may-ari ang bag na naiwan ni Chang Lei, 26, Chinese national ng Yatai SPA 5&6 Plaza 66 Bldg., Manlunas St., New Port City.

Nabatid na sumakay umano si Lei sa kanyang tricycle kasama si James St. John Gregorio, 38, taga-4253 Mojica St., Bangkal, Makati alas-siyete nang gabi at nagpahatid sa nabanggit na lugar at hindi napansin na naiwan niya ang dalang bag.

Isang pasahero ni Ordanza ang nakapansin sa bag at ibinigay ito sa kanya at nang buksan ay nakita ang pera at isang Rado watch.

Iniuwi ni Ordanza ang bag at sinabi sa kanyang asawa ang napulot at saka kinontak si Manila Councilor Darwin Sia na siyang nagsama sa kanila kay Moreno sa Manila City Hall.

Kaagad naman pinuntahan ng mga tauhan ni Lt. Colonel Ariel Caramuan ang bahay ni Lei at ipinaalam na isinoli ang kanyang bag.

Ayon kay Ordanza, sa kabila ng kahirapan at ma­laking pangangailangan sa pera ay hindi siya natukso dahil naging inspirasyon niya si Moreno na nangga­ling man sa hirap pero nagawa nitong makaahon sa buhay dahil sa sariling pagsisikap. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *