Naidlip sa motorsiklo: Pulis bumangga sa puno, patay

Patay ang isang pulis matapos humampas ang kanyang minamanehong motorsiklo sa isang puno sa gilid ng kalsada sa Barangay Buer, Aguilar, Pangasi­nan noong Sabado.

naidlip sa motorsiklo pulis bumangga sa puno patay - Naidlip sa motorsiklo: Pulis bumangga sa puno, patay
police 17 - Naidlip sa motorsiklo: Pulis bumangga sa puno, patay

Patay ang isang pulis matapos humampas ang kanyang minamanehong motorsiklo sa isang puno sa gilid ng kalsada sa Barangay Buer, Aguilar, Pangasi­nan noong Sabado.

Kinilala ng Aguilar Police Station (APS) ang biktima na si Pat. Ervin N. Ocampo, may asawa, nakatalaga sa nasabing bayan, ng Barangay Laois, Labrador, Pangasinan.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng APS, sakay si Ocampo ng kanyang motorsiklo at kasalukuyang binabagtas ang direksyon pahilaga nang humampas ito sa puno ng eucalyptus sa gilid ng national highway ng Barangay Buer.

Dahil sa lakas ng paghataw ng biktima sa puno, nagkaroon ito ng malalalim na su­gat at bali-baling buto sa kanyang katawan sanhi ng kanyang pagkamatay bago dumating sa Blessed Holy Trinity Hospital sa Mangatarem sa nasabing lalawigan.

Ayon sa APS, puyat umano ang biktima kaya pinaniniwalaang nakaidlip na siyang naging sanhi ng kanyang pagdisgras­ya.

(Allan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *