NAIA binaha, mga flight na-divert sa Clark

INABOT ng tubig baha ang ilang bahagi ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4 bunsod ng walang tigil na pag-ulan kahapon

naia binaha mga flight na divert sa clark - NAIA binaha, mga flight na-divert sa Clark
abante NAIA - NAIA binaha, mga flight na-divert sa Clark

INABOT ng tubig baha ang ilang bahagi ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4 bunsod ng walang tigil na pag-ulan kahapon

Sa kuhang video ng ilang netizen, nakita na halos umabot hanggang sa tuhod ang tubig dahil sa malakas na ulan na dulot ng habagat na mas pinalakas ng bagyong ‘Ineng’.

Ilan sa mga flight na paalis at padating sa NAIA ang na-divert sa Clark.
Sa paliwanag ni Ed Monreal, gene­ral manager ng Manila International Airport Authority, nagkaroon ng flash flood sa mababang bahagi ng Terminal 2 at Terminal 3 na mistulang ‘catch basin’ ng paliparan.

Hindi umano nakaya ng pum­ping station ang paghigop sa baha kaya nag-overflow. Ibinaba rin ang lightning alert bandang alas-nuwebe nang umaga na tumagal ng 27 minuto.

Nilinaw pa nito na ang diversion ng mga flight sa Clark International Airport ay dahil sa zero visibility na naranasan sa Terminal 4 kahapon nang umaga.

Samantala, apektado rin ang ope­rasyon ng Philippine National Railways (PNR) kahapon nang umaga dahil sa malalim na baha sa Magallanes, Makati.

Kinailangang tumigil ang operas­yon ng tren bandang alas-nuwebe nang umaga dahil umabot na sa 24 pulgada ang lalim ng baha, sabi ni PNR Operations Manager Jocelyn Geronimo.

Nagkaaberya rin ang isa sa mga tren bandang alas-siyete nang umaga sa Pedro Gil Station matapos na maputol ang isang kable malapit sa locomotor.

Nagdulot ito ng matin­ding trapik sa Pedro Gil at bahagi ng Quirino Ave.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *