Nagtatapon ng wastewater sa Marikina River, huhulihin ng PRRC

Nagsasagawa ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ng masusing imbestigasyon sa sinasabing ilegal na pagtapon ng wastewater sa Marikina River.

The post Nagtatapon ng wastewater sa Marikina River, huhulihin ng PRRC appeared first on Abante News Online.

nagtatapon ng wastewater sa marikina river huhulihin ng prrc - Nagtatapon ng wastewater sa Marikina River, huhulihin ng PRRC
riverbanks - Nagtatapon ng wastewater sa Marikina River, huhulihin ng PRRC

Nagsasagawa ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ng masusing imbestigasyon sa sinasabing ilegal na pagtapon ng wastewater sa Marikina River.

Ikinasa ang operasyon nang mai-tag ang mga opisyales ng PRRC sa Facebook viral video na ipinaskil ni Abdu­salla Monakil, isang concerned netizen, kung saan makikitang nagdidiskarga ng kemikal na isang ebidensiya ng liquid waste pollution sa Marikina River.

Dahil pangunahing tributaryo ang Marikina River ng Pasig River, inatasan ni PRRC Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” E. Goitia ang agarang imbestigasyon sa ilang mga establisimyento na hinihinalang sanhi ng polusyon sa ilog at para matiyak na rin kung sumusunod ang mga ito sa mga regulasyon.

“Gagawin namin ang lahat ng administratibo at legal na aksiyon upang matiyak nating maipasara ang lahat ng mga establisimyentong komersiyal at industriyal na sanhi ng polusyon sa ating mga ilog,” sabi ni Goitia.

Binigyang diin din ni Goitia na dapat suportahan ng mga local govern­ment units (LGUs) na nasa tabing ilog ang pagkilos ng pamahalaan upang maprotektahan ang mga daanang tubig.

The post Nagtatapon ng wastewater sa Marikina River, huhulihin ng PRRC appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *