Nagtapos na kadete pinatututok sa droga, terorismo, korapsyon

Nagtapos na kadete pinatututok sa droga, terorismo, korapsyon

HINILING ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suporta ng mga bagong nagtapos na kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) para palakasin ang kampanya kontra iligal na droga, terorismo at korapsiyon.

The post Nagtapos na kadete pinatututok sa droga, terorismo, korapsyon appeared first on Abante News Online.

nagtapos na kadete pinatututok sa droga terorismo korapsyon - Nagtapos na kadete pinatututok sa droga, terorismo, korapsyon
PNPA - Nagtapos na kadete pinatututok sa droga, terorismo, korapsyon

HINILING ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suporta ng mga bagong nagtapos na kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) para palakasin ang kampanya kontra iligal na droga, terorismo at korapsiyon.

Ginawa ito ng Pangulo matapos pangunahan ang seremonya ng pagtatapos ng Sansiklab Class of 2019 sa Camp General Mariano Castañeda sa Silang, Cavite kahapon.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na kailangan ng bansa ang mga bagong henerasyon ng mga epektibo at episyenteng mga lingkod bayan.

“I enjoin our fresh graduates to support and contribute to the administration’s fight against illegal drugs, terrorism and corruption. Now, more than ever,the Philippines need s optomistic and brave men and women like you who have the qualities to be effective and efficient public servant,” anang Pangulo.

Binilinan din ni Pangulong Duterte ang mga bagong nagtapos na opisyal na bitbitin sa kanilang pag-alis sa akademya ang itinuro sa kanila partikular ang prinsipyo ng integridad at katapatan, gayundin ang pagmamahal sa bayan at patrio­tismo.

The post Nagtapos na kadete pinatututok sa droga, terorismo, korapsyon appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *