Nagmartilyo sa babaeng traffic enforcer sumurender

Sumuko kay Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso ang suspek na pumatay sa kanyang live-in partner na lady traffic enforcer sa kasagsagan ng mainitan nilang pagtatalo kamakalawa sa Tondo, Maynila.

nagmartilyo sa babaeng traffic enforcer sumurender - Nagmartilyo sa babaeng traffic enforcer sumurender
ABANTE Eric Capulong - Nagmartilyo sa babaeng traffic enforcer sumurender

Sumuko kay Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso ang suspek na pumatay sa kanyang live-in partner na lady traffic enforcer sa kasagsagan ng mainitan nilang pagtatalo kamakalawa sa Tondo, Maynila.

Nabatid na perso­nal na pinuntahan ni Moreno kasama si P/Maj. Rosalino Ibay Jr., hepe ng Special Ma­yor’s Reaction Team (SMaRT) ang suspek na si Eric Capulong, 46-anyos, taga-Ba­lut, Tondo alas-11:20 nang gabi sa kanyang pinagtaguang bahay sa Phase 1-B Block 4, Lot 12, 4th Avenue, Citi Homes Subd., Molino IV, Bacoor, Cavite.

Nabatid na si Capulong ang itinuturong nakapatay sa kinakasamang si Concepcion Beldad, 39, lady traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau.

Naganap ang pa­mamalo ng suspek ng martilyo sa biktima alas-2:30 nang mada­ling-araw.

Dumating umano ang suspek sa bahay ni Beldad at nagawa pa nitong halikan ang dalawang anak sa huli bago sila nagtalo ng biktima na nauwi sa pagmamartilyo.

Nang makara­ting sa kaalaman ni Moreno ang insidente, kaagad itong nakipag-ugnayan sa mga kaanak ng suspek na nagresulta sa kusang loob nitong pagsuko.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *