Nag-suicide na Fil-Am madalas urutin ng dyowa na magpakamatay

Nag-suicide na Fil-Am madalas urutin ng dyowa na magpakamatay

MATAPOS paulit-ulit sabihing “go die” o “go kill yourself”, kinasuhan ng involuntary manslaughter ang girlfriend ng isang Filipino-American na namatay sa sucide nitong Mayo 2019.

nag suicide na fil am madalas urutin ng dyowa na magpakamatay - Nag-suicide na Fil-Am madalas urutin ng dyowa na magpakamatay
alexander 1 - Nag-suicide na Fil-Am madalas urutin ng dyowa na magpakamatay

MATAPOS paulit-ulit sabihing “go die” o “go kill yourself”, kinasuhan ng involuntary manslaughter ang girlfriend ng isang Filipino-American na namatay sa sucide nitong Mayo 2019.

Ito ang binalita ng mga prosecutor ng Massachusetts sa isang news conference, na inabuso at kinontrol ni Inyoung You ang dyowa na si Alexander Urtula sa loob ng 18 buwang relasyon.

Ayon sa mga awtoridad, higit 47,000 text message ang pinadala ni You kay Urtula, dalawang buwan bago ito magpakamatay. Karamihan sa mga text ay tungkol sa paghikayat na mamatay o magpakamatay na ang lalaki.

“Many of the messages display the power dynamic of the relationship, wherein Ms. You made demands and threats with the understanding that she had complete and total control over Mr. Urtula both mentally and emotionally,” saad ni Suffolk District Attorney Rachael Rollins, sa ulat ng Associated Press.

Nagtapos ng biology si Urtula at aktibong miyembro ng Philippine Society of Boston College, isang organisasyon ng mga Fil-Am student.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *