Nag-amok timbog sa shabu

Isang binata ang nakulong matapos na mag-amok at makuhanan pa ng iligal na droga noong Biyernes nang gabi sa Caloocan City.

nag amok timbog sa shabu - Nag-amok timbog sa shabu
Abante kulong - Nag-amok timbog sa shabu

Isang binata ang nakulong matapos na mag-amok at makuhanan pa ng iligal na droga noong Biyernes nang gabi sa Caloocan City.

Kinilala ni P/ Lt. Col. Ferdie Del Rosario, assitant chief of police for administration (ACOPA) ang nasakoteng suspek na si Randy Reyes, 37-anyos, tricycle driver, ng No. 1616 Idiwa St., 8th Avenue, Barangay 59 ng nasabing lungsod.

Ayon kay Lt. Col. Del Rosario, bandang alas-9:30 nang gabi, nagwawala at nagsisisigaw saka hinahamon ng away ang bawat masalubong ng suspek sa kahabaan ng Galauran Extension, 8th Avenue, Caloocan City na noo’y sabog na sabog sa shabu.

“Bukod sa nakakabulahaw na daw eh natatakot na ‘yung mga residente sa lugar sa pagwawala ng suspek kaya may tumawag sa PCP 2 at isinumbong siya,” ani Lt. Col. Del Rosario.

Dumating ang mga tauhan ng PCP 2 at inabutan pa sa lugar si Reyes kaya naman pinosasan ito at nang kapkapan, nakuha sa kanya ang isang plastic sachet ng shabu.

Dinala sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan Police si Reyes at kinasuhan ng Alarm and Scandal at Violation of R.A. 9165. (Orlan Linde)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *