Nag-agawan sa tulugan, preso patay sa bugbog ng kakosa

Pinagbubugbog hanggang sa napatay ang isang 55-anyos na preso ng kanyang kakosa nang nagtalo matapos na okupahan ng huli ang tulugan ng una sa loob ng custodial center sa Dasmariñas City, Cavite.

nag agawan sa tulugan preso patay sa bugbog ng kakosa - Nag-agawan sa tulugan, preso patay sa bugbog ng kakosa
patay 6 - Nag-agawan sa tulugan, preso patay sa bugbog ng kakosa

Pinagbubugbog hanggang sa napatay ang isang 55-anyos na preso ng kanyang kakosa nang nagtalo matapos na okupahan ng huli ang tulugan ng una sa loob ng custodial center sa Dasmariñas City, Cavite.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ng Dasmariñas City ang biktimang si Roberto Marinas, aka Berto, 55-anyos, binata ng Block 54 Lot 10 Barangay Sto Niño Cristo, Dasmariñas City dahil sa tinamong bugbog mula kay Zaldy Alvaran, aka Chong, 42, binata, ng 173 Sitio Talisayan, Barangay Sampaloc 4, Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat ni P/SSgt Richard Domingo ng Dasmariñas City Police Station, dakong ala-1:15 nang madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng kulungan.
Nauna rito, nakahiga umano ang biktima sa kanyang higaan nang pilitin ng suspek na paalisin ito.

Nagalit ang biktima na nagresulta sa kanilang mainitang pagtatalo hanggang sa sakalin ito ng suspek saka pinagbubugbog hanggang sa nawalan ng malay kaya isinugod ito sa ospital subalit idineklarang patay na.

Nabatid na wala rin umanong umawat sa dalawa. (Gene Adsuara)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *