Naantalang P1B MMDA flood control project nasisi sa paglubog ng NCR atbp.

Naiwasan sana ang nangyaring pagbaha sa Marikina, Manila, Quezon City at Makati City kung ang mga Flood Control Projects ng Metropolitan Manila Development Authority(MMDA) ang natapos nito at nakumpleto sa itinakdang oras, ayon sa Commisison on Audit(COA).

The post Naantalang P1B MMDA flood control project nasisi sa paglubog ng NCR atbp. first appeared on Abante.

naantalang p1b mmda flood control project nasisi sa paglubog ng ncr atbp - Naantalang P1B MMDA flood control project nasisi sa paglubog ng NCR atbp.
MMDA - Naantalang P1B MMDA flood control project nasisi sa paglubog ng NCR atbp.

Naiwasan sana ang nangyaring pagbaha sa Marikina, Manila, Quezon City at Makati City kung ang mga Flood Control Projects ng Metropolitan Manila Development Authority(MMDA) ang natapos nito at nakumpleto sa itinakdang oras, ayon sa Commisison on Audit(COA).

Sa 2019 annual report ng COA sinabi nito na maraming mga major flood control projects ang MMDA na nakaprograma sa taong 2018 at 2019,gayunpaman,marami sa mga ito ang hindi natapos dahil sa kawalan ng sapat na planning at koordinasyon sa mga ahensya at stakeholders, kaya ang resulta ay ang naranasang mga pagbaha.

Ayon sa COA sa 108 programmed flood control projects ng MMDA sa taong 2019 na may pondong P1.1 billion, nasa 45.37 percent o 49 projects lamang na nasa P453.242 million ang nakumpleto.

Nasa 54.63 percent o 59 programmed projects na nagkakahalaga ng P639.561M ang hindi pa natatapos, sa katunayan 7 dito ay hindi pa nasimulan.

Maging noong 2018 ay 13 flood control projects na may pondong P97.531 million ang hindi pa rin nakukumpleto.

“Verification by the audit team also revealed that the seven unimplemented projects for 2019 were already awarded to respective contractors with corresponding Notices to Proceed (NTPs) and yet had not started as of end of the year.Thirteen unfinished projects for 2018 could have addressed the perennial flooding problems in the cities of Marikina, Makati, Manila and Quezon City. Five of the 13 unfinished projects involved drainage improvement and construction in Malanday, Marikina”ayon sa COA report.

Sa Maynila umano ay mga drainage system improvement sa J.P. Rizal Extension, J.P. Rizal-Estrella at Kalayaan Avenue sa District 2, Makati at sa Maynila ay dalawang drainage improvement projects sa C.M. Recto at Punta Sta. Ana sa Manila ang hindi natapos habang sa Quezon City ay hindi rin natapos ang pagsasaayos ng drainege sa Commonwealth Avenue at Paltok Creek.

Sinabi ng COA na walang detalyadong procurement timeline o schedule sa bawat proyekto ang MMDA kaya naman hindi natatapos sa oras ang mga pinondohang proyekto.

Pinuna pa ng COA ang MMDA sa masyadong matagal na public bidding activities na tumatagal ng 161 hanggang 314 calendar gayong ang tamang panahon lamang ay dapat ay nasa 114 araw, kaya naman ang resulya ay puro delay sa proyekto.

Bilang tugon sa COA audit,sinabi ni MMDA-Flood Control and Sewerage Management Office (FCSMO) Baltazar Melgar na ang ilan sa mga proyekto na tinutukoy ng COA ay kanila nang natapos kabilang na dito ang pagsasaayos ng drainage, riprapping at rehabilitation ng waterways patungo sa pumping stations.

Depensa ni Melgar, hindi sa MMDA ang sanhi ng delay bagkus ay ang pagkaantala sa pagpapalabas ng General Appropriations Act(GAA) at ang pagkakaroon noon ng election ban.(Tina Mendoza)

The post Naantalang P1B MMDA flood control project nasisi sa paglubog ng NCR atbp. first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *