MWSS binalasa: Velasco ginawang chairman, Demonteverde sa JBC

BINALASA ng Malacañang ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) matapos ang kontrobersiya sa krisis sa tubig na naranasan ng ilang lugar sa Metro Manila noong Marso.

The post MWSS binalasa: Velasco ginawang chairman, Demonteverde sa JBC appeared first on Abante News Online.

mwss binalasa velasco ginawang chairman demonteverde sa jbc - MWSS binalasa: Velasco ginawang chairman, Demonteverde sa JBC
MWSS - MWSS binalasa: Velasco ginawang chairman, Demonteverde sa JBC

BINALASA ng Malacañang ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) matapos ang kontrobersiya sa krisis sa tubig na naranasan ng ilang lugar sa Metro Manila noong Marso.

Batay sa inilabas na appointment paper ng Malacañang, si retired Army Ge­neral Ricardo Caballero Morales ang uupo sa nabakanteng puwesto bilang member ng Board of Trustees ng MWSS ni dating Vice-Chairman at administrator Reynaldo Velasco.

Ang appointment paper ni Morales ay may petsang Mayo 27, 2019 at pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte at itutuloy nito ang hindi natapos na termino ni Velasco hanggang Hunyo 30, 2019.

Matatandaang bago mag-eleksyon ay inihayag ng Pangulo sa kanyang talum­pati sa Davao City na itatalaga niya si Morales bilang administrador ng MWSS.

Pero sa isang panayam kay Velasco, sinabi nitong siya ang papalit kay dating Chairman Franklin Demonteverde matapos abisuhan ng Palasyo.

Si Demonteverde ay ililipat umano sa Judicial and Bar Council (JBC).

Gayunman, sinabi ni Velasco na hinihintay pa niya ang kanyang appointment paper dahil mayroong proseso aniya para dito.

“‘Yun nang sabi sa akin. Ako na ang chairman, si Demonteverde sa JBC. Sinabihan na ako pero hinihintay ko pa ang appointment paper, antayin natin kasi may proseso ‘yan,” ani Velasco. (Aileen Taliping)

The post MWSS binalasa: Velasco ginawang chairman, Demonteverde sa JBC appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *