Murang text, mabilis na internet ihahatid ng 3rd telco player — NTC

MALAKI ang magiging pakinabang ng publiko sa pagpasok ng ikatlong telecommunication player sa bansa dahil babagsak ang presyo ng text, tawag at bibilis din ang internet, ayon sa National Telecommunications Commission (NTC).

The post Murang text, mabilis na internet ihahatid ng 3rd telco player — NTC appeared first on Abante News Online.

murang text mabilis na internet ihahatid ng 3rd telco player ntc - Murang text, mabilis na internet ihahatid ng 3rd telco player — NTC
phone - Murang text, mabilis na internet ihahatid ng 3rd telco player — NTC

MALAKI ang magiging pakinabang ng publiko sa pagpasok ng ikatlong telecommunication player sa bansa dahil babagsak ang presyo ng text, tawag at bibilis din ang internet, ayon sa National Telecommunications Commission (NTC).

Sinabi ito ni NTC Commissioner Gamaliel Asis Cordoba matapos pormal na ipagkaloob sa Mislatel consortium ang certificate of public convenience and necessity (CPCN).

“The entry of Mislatel in the market is expected to generate true and genuine competition among our telco players. Thus, the public stands to gain from better and cheaper voice, text and internet service,” saad ni Cordoba.

Ang Mislatel consortium na nagwagi sa bidding para maging 3rd major telco ng bansa ay pinangungunahan ng mga kompanya ni Dennis Uy na Chelsea Logistics and Infrastructure Holdings Corp. at Udenna Corp. at ng China Telecom.

Ang CPCN ay pirmado ni Cordoba, at deputy commissioners Edgardo Cabarios at Delilah Deles nu’ng July 8, 2019.

Ayon sa Chelsea Logistics, si Uy mismo ang tumanggap ng CPCN sa Malacañang matapos mag-post ng performance bond na P25.7 billion ang consortium. May kasunduan na ang Mislatel sa National Grid Corp. of the Phi­lippines para magamit ang fiber optic facilities nito na siyang magpapabilis sa paglatag ng infrastructure ng consortium.

Mas mabilis na internet ang hamon ng Mislatel sa PLDT at Globe. Nasa 27 megabits per second ang pinangako nitong bilis ng internet sa unang taon na paabutin nito sa 55 mbps pagda­ting ng ika-limang taon. (Eileen Mencias)

The post Murang text, mabilis na internet ihahatid ng 3rd telco player — NTC appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *