Municipal administrator ng Leyte tinodas

PATAY ang municipal administrator ng bayan ng San Isidro sa lalawigan ng Leyte habang sugatan ang dalawang iba pa matapos pagbabarilin ng hndi pa kilalang mga suspek habang nagpapakarga ng gasolina kahapon sa Barangay Capinahan.

The post Municipal administrator ng Leyte tinodas appeared first on Abante News Online.

municipal administrator ng leyte tinodas - Municipal administrator ng Leyte tinodas
ABANTE sanisidro leyte - Municipal administrator ng Leyte tinodas

By Edwin Balasa

PATAY ang municipal administrator ng bayan ng San Isidro sa lalawigan ng Leyte habang sugatan ang dalawang iba pa matapos pagbabarilin ng hndi pa kilalang mga suspek habang nagpapakarga ng gasolina kahapon sa Barangay Capinahan.

Kinilala ang nasawi na si Levi Mabini, 42, municipal administrator ng San Isidro Local Government Unit (LGU) at taga-Barangay Daja Dako ng nasabing bayan, na nagtamo ng mga bala sa katawan.

Sugatan naman sina Jea Itang, 19, at si Joseph Misa, na kapwa agad dinala sa Ormoc Hospital.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek na bumaril sa mga biktima na lulan ng gray Ford Ranger Wildcard.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang pamamaril alas-7:30 ng umaga sa AL-SAN gas station sa Barangay Capinahan ng nabatid na bayan.

Lulan ng tig-isang motorsiklo ang biktimang si Mabini at mga kasamang sina Remart Delima at Joseph Misa at magpapakarga ng gasolina sa nasabing istasyon nang dumating ang sasakyan ng mga suspek at pinagbabaril ang una ng tatlong gunman.

Nang bumulagta na si Mabini ay tumakas na ang mga suspek.

The post Municipal administrator ng Leyte tinodas appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *