Multicab swak sa bangin, negosyante tigok

KAMATAYAN ang bagsak ng isang negosyante nang mahulog ang sinasakyan nitong multicab sa bangin sa Guinayangan, Quezon kamakalawa nang hapon.

The post Multicab swak sa bangin, negosyante tigok appeared first on Abante News Online.

multicab swak sa bangin negosyante tigok - Multicab swak sa bangin, negosyante tigok
dead 1 - Multicab swak sa bangin, negosyante tigok

KAMATAYAN ang bagsak ng isang negosyante nang mahulog ang sinasakyan nitong multicab sa bangin sa Guinayangan, Quezon kamakalawa nang hapon.

Kinilala ng Guinayangan Police ang biktima na si Marion Fermalo Lansona, 56-anyos, residente ng Brgy. Poblacion sa nasabing bayan.

Batay sa report ng pulisya, dakong ala-una nang hapon, sakay ang biktima sa multicab na minamaneho ni M­ario Oliva Manalo, at tinatahak ang provincial road patungong bayan ng Gumaca nang mahulog ito sa bangin na may lalim na 10 metro sakop ng Brgy. San Antonio.

Nagtamo ang biktima ng malubhang pinsala sa ulo at katawan at nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Guinayangan Medicare Community Hospital.

Nangyari ang insidente makaraang iwasan umano ng driver na su-malpok sa kasalubong na sasakyan sa kurbadang bahagi ng highway kaya nakabig nito ang manibela at sumalpok sa mga railings bago nahulog sa bangin. (Ronilo Dagos)

The post Multicab swak sa bangin, negosyante tigok appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *