MTRCB wapakels, Netflix kokontrolin

Isusulong ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) ang plano nitong kontrolin ang mga video streaming platform na tumatakbo sa Pilipinas sa kabila ng pagtutol ng publiko.

The post MTRCB wapakels, Netflix kokontrolin first appeared on Abante.

mtrcb wapakels netflix kokontrolin - MTRCB wapakels, Netflix kokontrolin
MTRCB - MTRCB wapakels, Netflix kokontrolin

Isusulong ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) ang plano nitong kontrolin ang mga video streaming platform na tumatakbo sa Pilipinas sa kabila ng pagtutol ng publiko.

Sinabi ni MTRCB chair Rachel Arenas na paninindigan nila ang kanilang plano at hindi sila natatakot sa mga puna dahil sinusunod lamang nila ang nakasaad sa batas.

Ang pahayag ni Arenas ay inilabas matapos punahin ang MTRCB sa kanilang hakbang na kontrolin ang video streaming applications tulad ng Netflix, iflix at iba pang mga katulad na platform na pinatatakbo sa bansa.

Sa katunayan aniya, kinunsulta nila ang “video-on-demand (VOD)” providers para sa higit sa isang taon na at napag-usapan ang kanilang mga plano na i-regulate ang mga aplikasyon ng video streaming.

Ayon kay Enrique dela Cruz, isang law professor on media and technology sa University of Sto Tomas (UST), hindi maaaring makontrol ng MTRCB ang mga aplikasyon ng video streaming dahil hindi ito bahagi ng mandato sa ilalim ng Presidential Decree 1986.

Nakasaad sa Presidential Decree 1986 na “any motion picture on whatever medium with whatever mechanism or equipment they are projected, and in whatever material they are preserved or recorded” ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng MTRCB. (Mina Aquino)

The post MTRCB wapakels, Netflix kokontrolin first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *