Mt. Ulawun sa PNG sumabog, 5K inilikas

MAHIGIT sa 5,000 katao ang inilikas sa loob ng nakalipas na 24 oras matapos ang pagsabog ng Mount Ulawun sa West New Britain Province of Papua New Guinea (PNG) na umakyat sa 19 kilometro ang taas.

The post Mt. Ulawun sa PNG sumabog, 5K inilikas appeared first on Abante News Online.

mt ulawun sa png sumabog 5k inilikas - Mt. Ulawun sa PNG sumabog, 5K inilikas
mt - Mt. Ulawun sa PNG sumabog, 5K inilikas

MAHIGIT sa 5,000 katao ang inilikas sa loob ng nakalipas na 24 oras matapos ang pagsabog ng Mount Ulawun sa West New Britain Province of Papua New Guinea (PNG) na umakyat sa 19 kilometro ang taas.

Ang Mount Ulawun ay isa sa anim na mapangnib na bulkan sa South Pacific ayon sa PNG Geological Survey pero ikinagulat ng marami ang sorpresang pagsabog nito kamakalawa nang umaga.

Natagalan ang paglikas sa mga residente dahil limang sasakyan lang ang ginamit sa evacuation, ayon sa ulat.

Samantala, tumigil na ang pagbuga ng lava mula sa bunganga ng bulkan.
Gayunman ay kinansela ng national carrier Air Niugini ang mga biyahe patungo sa rehiyon.

Huling nangyari ang pagsabog ng Mount Ulawun noong Mayo 2001.

The post Mt. Ulawun sa PNG sumabog, 5K inilikas appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *