MRT, LRT, PNR biyahe na; bus, jeep, UV sa June 22

Magkakaroon ng dalawang yugto ang pagbabalik ng public transportation sa mga lugar na inilagay sa general community quarantine (GCQ) matapos isailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

mrt lrt pnr biyahe na bus jeep uv sa june 22 - MRT, LRT, PNR biyahe na; bus, jeep, UV sa June 22
abante mrt 1 - MRT, LRT, PNR biyahe na; bus, jeep, UV sa June 22

Magkakaroon ng dalawang yugto ang pagbabalik ng public transportation sa mga lugar na inilagay sa general community quarantine (GCQ) matapos isailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Base sa public advisory ng Department of Transportation (DOTr), kabilang sa mga public transport na papayagan sa Phase 1 (Hunyo 1-21) ay ang mga tren (MRT, LRT, PNR), bus augmentation, taxi, TNVS, shuttle service, Point-to-Point bus, at bisikleta. Limitado lang ang magiging pasahero.

Papayagan din ang mga tricycle pero kailangang humingi muna ng pahintulot mula sa kanilang local government unit.

Bawal pa sa Phase 1 na pumasok sa Metro Manila ang mga provincial bus.

Sa Phase 2 naman (Hunyo 22-30), papayagan na rin ang mga bus, modern PUV, at UV Express pero limitado rin ang bilang ng mga pasahero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *