MRT-3 naperwisyo sa lumaylay na construction safety net

NAGDULOT ng abala sa operasyon ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 ang isang construction safety net na lumaylay sa Overhead Catenary System (OCS) nito dakong ala-1:44 kahapon nang hapon.

mrt 3 naperwisyo sa lumaylay na construction safety net - MRT-3 naperwisyo sa lumaylay na construction safety net
mrt 32 - MRT-3 naperwisyo sa lumaylay na construction safety net

NAGDULOT ng abala sa operasyon ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 ang isang construction safety net na lumaylay sa Overhead Catenary System (OCS) nito dakong ala-1:44 kahapon nang hapon.

Naganap ang insidente sa insertion removal area ng interstation ng North Avenue at Quezon Avenue.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, naalis din agad ng mga OCS personnel ang lumaylay na construction safety net dakong alas-2:05 nang hapon.
Bumalik sa normal operation ang MRT-3 ilang minuto matapos maalis ang construction safety net.

Humingi rin ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa abalang dulot ng insidente sa kanilang mga pasahero.

Ilang pasahero naman ang nag-post sa social media ng kanilang pagkadismaya sa perwisyong dulot ng nasabing insidente.

“Maaga nga kami pinauwi dahil sa bagyo napakatagal naman ng tren nyoooo grabe na yung pila dito sa aya­la mag pa skip train na kayo,” tweet ni erisamay.

“Walaaaang update ganern ? Oras na oh,” dugtong pa nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *