MRT 3 back-to-back sa aberya

MULI na namang nakaranas ng pahirap ang mga pasahero ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) matapos isa sa mga tren ang nagkaaberya kahapon nang umaga sa Makati.

The post MRT 3 back-to-back sa aberya appeared first on Abante News Online.

mrt 3 back to back sa aberya - MRT 3 back-to-back sa aberya
abante MRT LRT - MRT 3 back-to-back sa aberya

Ni Armida Rico

MULI na namang nakaranas ng pahirap ang mga pasahero ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) matapos isa sa mga tren ang nagkaaberya kahapon nang umaga sa Makati.

Sa advisory ng Department of Transportation (DOTr), dakong alas-6:08 nang umaga nang magkaroon ng aberya ang tren sa pagitan ng Guadalupe at Sen. Gil J. Puyat (Buendia) stations na problemang teknikal ang itinuturong dahilan ng aberya.

Inabot naman ng hanggang ala-6:47 nang umaga bago tuluyang naayos ang problema at naibalik sa normal ang operasyon ng mga tren.

Kaagad namang humingi ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa kanilang mga mananakay dahil sa perwisyong idinulot ng aberya.

Magugunitang nitong Miyerkoles lamang ay isang tren din ng MRT-3 ang tumirik sa pagitan ng dalawang estasyon sa Makati City dahil sa electrical failur­e sa motor, sanhi upang 700 pasahero nito ang pababain ng tren at inilipat na lamang sa kasunod na tren upang maihatid sa kani-kanilang destinasyon.

The post MRT 3 back-to-back sa aberya appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *