MPTC nakatutok sa aberya ng RFID

Umaasa na magiging smooth ang compatibility ng mga tollgate para sa RFID, dahil target ng Metro Pacific Tollways Cosporation (MPTC) na sa katapusan ng unang quarter sa 2021 ay maging maayos na ang lahat.

The post MPTC nakatutok sa aberya ng RFID first appeared on Abante.

mptc nakatutok sa aberya ng rfid - MPTC nakatutok sa aberya ng RFID
rfid 1 - MPTC nakatutok sa aberya ng RFID

Umaasa na magiging smooth ang compatibility ng mga tollgate para sa RFID, dahil target ng Metro Pacific Tollways Cosporation (MPTC) na sa katapusan ng unang quarter sa 2021 ay maging maayos na ang lahat.

Ayon kay Atty. Romulo Quimbo, Corporate Chief Communication Officer ng MPTC sa virtual media forum ng National Press Club (NPC) sa ngayon ay may normal computer glitches o problema lamang na nararanasan ang mga motorista ngunit kanila na itong inaayos.

Isa lamang aniya sa nagiging problema kaya humahaba ang pila sa tollgate ay ang mga stickers na hindi mabasa ng kanilang system dahil wala itong load.

Ang iba naman ay pumapasok sa RFID lane pero wala pang mga sticker ang kanilang mga sasakyan.

Paalala naman ni Quimbo sa mga motorista na huwag mag-alala dahil ang deadline ng application ng kanilang RFID sticker ay hanggang December 1 kung saan batay aniya sa direktiba ng Department of Transportation (DoTr) ay kailangan na itong “capable”.

Gayunman, ang mga motorista na bibihira lamang aniyang gumamit ng tollgate ay hindi naman kailangang magmadali dahil kahit sa January o February ay maari pa ring mag-apply ng sticker.

Samantala, sakali naman aniyang bibili pa lamang ng sasakyan kapag natapos na ang deadline ng RFID ay tuloy-tuloy pa rin naman aniya ang application ng sticker.

Maari naman aniyang bisitahin ang FB page ng NLEX Corporation upang malaman ang mga impormasyon kong saang lane papasok ang motorista dahil may guide naman aniya para sa mga wala pang RFID.

Dagdag pa ng opisyal, nakikipagtulungan na rin ang Metro Pacific sa mga auto dealers, para maisama ang RFID stickers sa mga sasakyang bibilhin.

Umapela naman si Quimbo sa mga motorista na makipagtulungan at konting unawa lang sa kanilang sistema. (Mina Navarro)

The post MPTC nakatutok sa aberya ng RFID first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *