Motorsiklo sumalpok sa poste, rider patay

DEDO ang isang 27-an-yos na motorcycle rider habang kritikal ang angkas nitong babae nang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang poste sa Tagaytay City, Cavite.

The post Motorsiklo sumalpok sa poste, rider patay appeared first on Abante News Online.

motorsiklo sumalpok sa poste rider patay - Motorsiklo sumalpok sa poste, rider patay
abante patay - Motorsiklo sumalpok sa poste, rider patay

DEDO ang isang 27-an-yos na motorcycle rider habang kritikal ang angkas nitong babae nang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang poste sa Tagaytay City, Cavite.

Namatay habang ginagamot sa Ospital ng Tagaytay ang biktimang si Jelson Depamaylo Sapad ng Brgy. Linao, Pura, Tarlac habang inoobserbahan din sa nasabing ospital ang angkas nitong si Elmie Del Rosario Laudiato, 20, ng Las Piñas City.

Sa ulat ni P/MSgt. Lugene Golfo Cua ng Tagaytay City Police Station, dakong alas-3:50 Miyerkoles nang madaling-araw nang naganap ang aksidente kung saan binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Tagaytay-Nasugbu Road, Brgy. Silang Crossing East Tagaytay City patungo sa East direction ng Rotonda nang nawalan ng kontrol sa manibela ng kanyang motorsiklo at su-malpok sa isang concrete post sa tabi ng kalsada.

Kapwa walang malay ang dalawa nang isugod sa ospital kung saan binawian ng buhay si Sapad habang ginagamot. (Gene Adsuara)

The post Motorsiklo sumalpok sa poste, rider patay appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *