Motornapper timbuwang sa Highway Patrol Group

Patay ang isang umano’y notorious na miyembro ng carnapping at robbery group matapos makipagbarilan sa mga tauhan ng Highway Patrol Group (HPG) sa isang entrapment operation sa Sto. Tomas, Batangas Huwebes ng hatinggabi.

motornapper timbuwang sa highway patrol group - Motornapper timbuwang sa Highway Patrol Group
patay 12 - Motornapper timbuwang sa Highway Patrol Group

Patay ang isang umano’y notorious na miyembro ng carnapping at robbery group matapos makipagbarilan sa mga tauhan ng Highway Patrol Group (HPG) sa isang entrapment operation sa Sto. Tomas, Batangas Huwebes ng hatinggabi.

Kinilala ng Sto. Tomas Police ang nasawi na si Dominador Espeleta, residente ng Muntinlupa City at dating miyembro ng nabuwag na Landrito–Bombassi criminal group na sangkot sa mga kaso ng robbery holdup at carnapping sa Southern Metro Manila at Southern Tagalog.

Dead on the spot ang suspek matapos na magtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan sa engkuwentro na naganap dakong alas-12:10 ng hatinggabi.

Ayon kay PCapt. Jet Sayno, provincial officer ng Batangas Highway Patrol Group, ikinasa ang entrapment operation laban sa suspek matapos matunugan ng HPG na may ibinebenta itong isang motorsiklo na natuklasang nakaalarma at ninakaw sa Cavite.

Dumating ang suspek na sakay ng isang Yamaha Mio sa lugar kung saan sila magkikita ng asset subalit nakahalata itong patibong ang transaksyon kaya pinasibad nito ang motorsiklo patungo sa direksyon ng Lipa na hinabol naman ng mga awtoridad.

Nasukol ito sa may bahagi ng Sto. Tomas Lipa Road na sakop ng Barangay Sta. Teresita subalit sa halip na sumuko ay pinapatukan ang papalapit na mga awtoridad na agad ding gumanti ng putok.

Narekober mula sa suspek ang isang kalibre 45 baril. (ronilo dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *