Motoring vlogger James Deakin ginamit sa scam

NABIKTIMA ang TV host at motoring vlogger na si James Deakin ng identity theft kung saan ginamit ang kanyang mga ­lara­wan­ sa isang dating app.

motoring vlogger james deakin ginamit sa scam - Motoring vlogger James Deakin ginamit sa scam
deakin - Motoring vlogger James Deakin ginamit sa scam

NABIKTIMA ang TV host at motoring vlogger na si James Deakin ng identity theft kung saan ginamit ang kanyang mga ­lara­wan­ sa isang dating app.

Sa kanyang Facebook­ post noong Huwebes, sinabi ni Deakin na panga­tlong beses na ­siyang nakatanggap ng mga mensahe mula sa mga babaeng hindi niya kilala at nagkuwento sa kanya na ang puso nila ay nasaktan o ‘di kaya’y na-scam ng pera.

“Some jerk has been using my pictures on dating­ apps to scam ladies in the US. This is the 3rd time a lady has reached out to me—by which time, it’s too late. He has either scammed money from them or broken their hearts,” sabi ni Deakin.

Mga isang buwan umano na todo ang panliligaw ng scammer sa mga babae at nahu­hulog naman ang kanilang kalooban. Ang drama pa ng scammer, bigla siyang kakaila­nganing lumipad sa mapanganib na lugar para sa trabaho.

Pagkatapos, sasabihin niyang masama ang kanyang kalagayan at hihingan ng tulong ang mga babae.

Ang kinapipikon ni Deakin, sinasabi ng scammer na 51-anyos siya samantalang 46 pa lang si Deakin.

“And the worst part of it all? He says he is 51 years old. Using my ­image! I’m 46! Ta******a,” sabi niya.

Aniya, seryoso at hindi biro ang identity theft at madalas itong mangyari.

Panawagan niya sa mga taong gumagamit ng mga dating app, siguruhing ang taong nasa larawan sa dating app ang mismong kausap nila. Higit sa lahat, huwag na huwag magpapadala ng pera o personal at sensi­tibong impormasyon at mga hubo’t hubad na mga larawan sa mga taong nakikilala lamang­ online.

(Eileen ­Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *