Morales top aide sinuka korapsyon

Nauna pa diumanong nagbitiw ang head executive assistant ni Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) president Ricardo Morales bago pa man inanunsyo ng anti-fraud officer ng ahensya na si Atty. Thorrson Monted Keith ang pagbibitiw nito.

morales top aide sinuka korapsyon - Morales top aide sinuka korapsyon
tonite morales - Morales top aide sinuka korapsyon

Ni Nancy Carvajal

Nauna pa diumanong nagbitiw ang head executive assistant ni Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) president Ricardo Morales bago pa man inanunsyo ng anti-fraud officer ng ahensya na si Atty. Thorrson Monted Keith ang pagbibitiw nito.

Base sa impormasyon, nag-resign si retired Col. Etrobal Laborte noon pang July 1, 2020 at sinabing “schooling” ang dahilan ng kanyang pag-alis sa PhilHealth. Subalit ayon sa isang mapagkakatiwalaang source na mayroong nalalaman sa iskandalo sa loob ng ahensya ay hindi na umano masikmura ni Laborte ang korapsyon sa PhilHealth.

“He resigned because what he was witnessing in the agency was against his values,” sabi ng source.

Dagdag pa ng source, hanggang July 31 pa puwedeng ibalik ni Laborte ang cellphone na inisyu sa kanya ng PhilHealth subalit mahigit isang linggo pa lang ang nakalipas matapos ito magbitiw ay pinutulan na siya ng komunikasyon.

“On the night that the resignation of Keith went viral on social media, the cellphone issued by PhilHealth which he was still using for official dealings was abruptly disconnected without warning him,” sabi ng source.

Ang naturang cellphone umano ang contact number ni Laborte sa mga miyembro ng media at iba pang personalidad.

“They were scared he might talk or unwittingly give details derogatory to PhilHealth,” ayon pa sa source.

Nauna rito, sinabi sa press release ng PhilHealth na nag-resign si Laborte kalagitnaan ng July at epektibo ito sa Agosto 31.

Ayon naman sa source, may mga dokumentong hawak si Laborte na katunayan ng mga anomalya ng ilang opisyal ng PhilHealth subalit atubili pa itong lumantad sa publiko.

Si Laborte ay dating Philippine Navy official at isang software developer expert.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *