Morales hinilamusan ng mura si Roque

Hindi pa rin tapos ang kontrobersiya kahit nagbitiw na si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) president at chief executive officer Ricardo Morales.

The post Morales hinilamusan ng mura si Roque first appeared on Abante.

morales hinilamusan ng mura si roque - Morales hinilamusan ng mura si Roque
morales and roique - Morales hinilamusan ng mura si Roque

Hindi pa rin tapos ang kontrobersiya kahit nagbitiw na si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) president at chief executive officer Ricardo Morales.

Ito’y matapos mabunyag sa mismong virtual press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Huwebes na minura umano ni Morales ang tagapagsalita ni Pangulong Rorigo Duterte.

Nag-ugat ito sa tanong ng isang tv reporter na binasa ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Rocky Ignacio sa sinabi umano ni Morales na puwede nang i-takeover ni Roque ang PhilHealth.

“PhilHealth president Ricardo Morales said, Secretary Roque may now take over the agency. In a text message to a reporter, he even cursed. What’s your reaction to this? Are you willing to take a post in PhilHealth? What do you want so say to him?” tanong ng isang tv reporter na binasa ni Ignacio.

Batay umano sa text message, nakasaad na puwede nang mag-takeover si Roque sabay mura.

Sinagot naman ito ni Roque sa pagsasabi na kanyang ipinagdarasal na makarekober ito sa kanyang sakit at humaba pa ang buhay.

“Well, General Morales, I’m praying for your good health. May you recover and may you live long,” sabi ni Roque.

Dagdag pa nito, hindi siya interesadong hawakan ang top post sa PhilHealth dahil masyado siyang abala sa kanyang trabaho sa kasalukuyan.

Matatandaang binatikos ni Roque si Morales dahil sa korapsyon umano sa PhilHealth.(Aileen Taliping/Prince Golez)

The post Morales hinilamusan ng mura si Roque first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *