Morales, 12 exec diniin sa PhilHealth scam

Kinasuhan ng kasong paglabag sa Republic Act 3019 o anti graft law ang 13 dating matataas at kasalukuyang opisyal ng PhilHealth Insurance Corporation sa Ombudsman kahapon.

The post Morales, 12 exec diniin sa PhilHealth scam first appeared on Abante.

morales 12 exec diniin sa philhealth scam - Morales, 12 exec diniin sa PhilHealth scam
abante morales 3 - Morales, 12 exec diniin sa PhilHealth scam

Kinasuhan ng kasong paglabag sa Republic Act 3019 o anti graft law ang 13 dating matataas at kasalukuyang opisyal ng PhilHealth Insurance Corporation sa Ombudsman kahapon.

Batay sa impormasyon, pinangunahan ni National Bureau of Investigation (NBI) NCR Director Ceasar Bacani ang pagsasampa ng kaso laban kina dating PhilHealth President at chief executive officer (CEO) Ricardo Morales dahil sa umano’y anomalya sa paggamit sa P33.8 milyon interim refund mechanism (IRM) fund.

Kasama rin sa ipinagharap ng kaso ang tatlong opisyal ng pribadong kompanya at ilang ‘John Doe dahil’ na sinasabing lumabag sa anti graft law.

Una nang ibinunyag ni Thorrsson Montes Keith, dating anti-fraud legal officer ng PhilHealth sa Senado na ibinulsa diumano ng “mafia” ng ahensya ang halagang aabot sa P15 bilyon.

Bukod pa rito ay sinabi rin ni Keith at Alejandro Cabading, miyembro ng PhilHealth board ang diumano’y P2.2 bilyong overpriced information and communications technology (ICT) equipment at pekeng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Taong 2019 lang nang madawit sa “ghost dialysis scam” ang ahensya kaugnay ng Welmed Dialysis Center, na nakakuha ng P800 milyon sa pamamagitan ng patay ng pasyente para maghain ng kidney treatment claims. (Dolly B. Cabreza/Juliet de Loza-Cudia)

The post Morales, 12 exec diniin sa PhilHealth scam first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *