Modules hindi pa lahat nadeliber! DepEd last minute aligaga

Aminado ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) na hindi lubusang handa ang Department of Education (DepEd) at tiyak na sasalubungin ng sandamakmak na problema ang pagbubukas ng online learning sa hanay ng mga pampublikong paaralan ngayong araw.

The post Modules hindi pa lahat nadeliber! DepEd last minute aligaga first appeared on Abante.

modules hindi pa lahat nadeliber deped last minute aligaga - Modules hindi pa lahat nadeliber! DepEd last minute aligaga
abante modules - Modules hindi pa lahat nadeliber! DepEd last minute aligaga

Aminado ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) na hindi lubusang handa ang Department of Education (DepEd) at tiyak na sasalubungin ng sandamakmak na problema ang pagbubukas ng online learning sa hanay ng mga pampublikong paaralan ngayong araw.

Ayon kay ACT Philippines secretary general Raymond Basilio, una na rito ang kawalan ng mga module na kailangan ng mga mag-aaral sa kanilang mga aralin.

Kinumpirma ni Basilio na hindi pa natatanggap ng karamihan sa mga mag-aaral sa Quezon City ang kanilang mga module gayung ngayong araw na ang simula ng kanilang mga klase.

Ilan sa mga paaralan ang nakapagbigay na aniya ng diagnostic tests habang hinihintay pa ng karamihan ang printed copy ng kanilang mga leksyon.

“Nasayang po ‘yung panahon ng pag-aaantay at pagkakansela noong August 24 at hindi po pa rin tayo in place doon sa mga basic na kailangan para sa opening,” ani Basilio.

Idinagdag ni Basilio na hindi rin nabigyan ng modules ang mga guro sa Saranggani dahil sa umiiral na lockdown sa kanilang mga lugar sanhi ng banta ng COVID-19.

Marami pa rin umanong guro ang walang laptop na gagamitin nila sa pagmo-monitor sa kanilang mga estudyante.

Nabatid na 60 porsyento ng curriculum sa mga aralin ang tinanggal ng DepEd para maka-adjust ang mga mag-aaral sa gagawing remote learning ngayong pasukan.

Umaabot sa 24.72 milyong mag-aaral ang nagpatala para sa pasukan ngayong 2021-2021. (Mia Billones)

The post Modules hindi pa lahat nadeliber! DepEd last minute aligaga first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *