MMDA kinuyog sa EDSA traffic

mmda1

NAGNGINGITNGIT ang mga mananakay laban sa Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) dahil sa ma­tinding trapik na idinulot ng paghihigpit sa yellow lane policy at dry run ng provincial bus ban.

mmda kinuyog sa edsa traffic - MMDA kinuyog sa EDSA traffic
mmda1 - MMDA kinuyog sa EDSA traffic

NAGNGINGITNGIT ang mga mananakay laban sa Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) dahil sa ma­tinding trapik na idinulot ng paghihigpit sa yellow lane policy at dry run ng provincial bus ban.

Karamihan sa mga naipit sa trapik nitong Agosto 6 at 7, idinaan sa social media ang mga banat sa MMDA.

“Wag nyo naman kami paglaruan mga commuters@MMDA sablay na naman kayo.#provincialbuscan#Traffic#edsa,” ayon sa tweet ng isang Magwayen.

“Hindi pa ako nakakarating ng opisina pagod na pagod na dahil sa napakahabang traffic,” ayon naman sa isang Ley Atienza.

Sinisi naman ng MMDA ang mga pasa­way na city bus sa nararanasang matinding trapik sa EDSA nitong mga nagdaang araw.

“Ang mga buses talaga natin, dapat ‘yan inner yellow lane, nasa loob lang. Ang nangyari ‘yung mga city buses and some provincial buses, nagpunta na doon sa first, second lane ng EDSA and then kapag malapit na ‘yung flyover, lahat sila papasok sa kanan. So blinock nila ‘yung buong kalsada,” paliwanag ni MMDA General Manager Jojo Garcia sa hearing ng House committee on Metro Manila Development.

“Nu’ng dumating ang enforcers namin, napa­linya namin ‘yung buses. Kapag luminya ang bu­ses, definitely ‘yung private lanes natin na tatlo, tuloy-tuloy ‘yan because ‘yung mga private vehicles walang business huminto sa EDSA,” dagdag pa niya.

Hindi rin umubra ang dry run ng ban sa mga provincial bus dahil marami pa ring bus ang pumasada sa EDSA matapos na harangin ng Quezon City court ang natu­rang order ng MMDA.

Sinabi ni MMDA EDSA traffic head Bong Nebrija na 15 bus company ang nangako na susuporta sa dry run subalit nagbago ng isip matapos maglabas ng desisyon ang Quezon City Regiona­l Trial Court Branch 223 nang maglabas ng preliminary injunction laban sa ban.

“Talagang mananaig po dito iyong negosyo, “ saad ni Nebrija.

“Mas marami pa ang hindi sumusunod (kaysa) sa sumusunod. Baka wala ngang sumusunod,” dagdag pa niya.

Depensa naman ni Alex Yague, executive director ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines na hindi maaaring ipagpilitan ng MMDA ang implimentasyon ng provincial bus ban dahil may utos na ang korte na pumipigil dito. (Dolly Cabreza/Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *