MMDA dagdagan ng pondo para sa Pasig River ferry service

Pasig River, mga estero lilinisin ni Cimatu

NAKAHANDA si Senador Sonny Angara na dagdagan ang subsidy na ibi­nibigay sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa operasyon ng Pasig River ferry service dahil makakatulong ito para mabawasan ang teribleng trapik sa Metro Manila.

mmda dagdagan ng pondo para sa pasig river ferry service - MMDA dagdagan ng pondo para sa Pasig River ferry service
pasig river 1 - MMDA dagdagan ng pondo para sa Pasig River ferry service

NAKAHANDA si Senador Sonny Angara na dagdagan ang subsidy na ibi­nibigay sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa operasyon ng Pasig River ferry service dahil makakatulong ito para mabawasan ang teribleng trapik sa Metro Manila.

“I think the first order of business is to make the ferry system financially buoyant again,” pahayag ni Angara, chairman ng Senate finance committee sa isang statement kahapon.

“We are open to increasing the subsidy if the MMDA can submit a program on where the additional subsidy would be spent,” dagdag nito.

Ayon kay Angara, hindi umano sapat ang inilaang P74 milyong national government subsidy sa MMDA para sa operasyon ng Pasig River ferry.

“‘Yang P74 million na proposed subsidy for 2020, may nakapagsabi na limang kilometro lang ‘yan ng asphalt overlay sa isang lane ng EDSA,” ani Angara.

Kailangan din umanong tingnan ang posibilidad na magkaroon ng ‘maritime highway’ na mas malapad sa EDSA lalo’t palala nang palala ang sitwasyon ng trapiko sa Metro Manila.

“To revive the service, a ‘master plan with yearly expansion, fun­ding and performance targets’ is required. We can pursue the moder­nization in annual instalments,” ani Angara. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *