Miyembro ng LGBT hinoldap, sinaksak sa CCP Complex

KULONG ang isang senior high school (SHS) student matapos holdapin at saksakin pa ang isang miyembro ng LGBT community kahapon nang madaling-araw sa Roxas Boulevard, Malate, Maynila.

The post Miyembro ng LGBT hinoldap, sinaksak sa CCP Complex appeared first on Abante News Online.

miyembro ng lgbt hinoldap sinaksak sa ccp complex - Miyembro ng LGBT hinoldap, sinaksak sa CCP Complex
ABANTE sinaksak - Miyembro ng LGBT hinoldap, sinaksak sa CCP Complex

By Juliet de Loza-Cudia

KULONG ang isang senior high school (SHS) student matapos holdapin at saksakin pa ang isang miyembro ng LGBT community kahapon nang madaling-araw sa Roxas Boulevard, Malate, Maynila.

Sinampahan ng kasong robbery with violence ang suspek na si Jeiron Jansen Malong, 18, at residente ng 2455 Sequia Street, Sta. Ana, Maynila habang bahagya namang nasugatan ang biktimang si Justine Ocon, 27, ng Malate.

Ayon sa Manila Police District-Police Station 9, dakong alas-12:30 nang mada­ling-araw nang maganap ang krimen sa may CCP Complex, Pedro Bukaneg St., kanto ng Roxas Boulevard sa Malate.

Nabatid na nakipagkilala muna umano ang suspek sa biktima at niyaya itong mamasyal at mag-usap sa CCP Complex.

Pagsapit sa naturang lugar ay dinala ng suspek sa isang madilim na bahagi ang biktima at saka ito tinutukan ng patalim sa lalamunan, at nagdeklara ng holdap.

Kinuyog ng mga tao ang suspek nang humingi ng saklolo ang biktima na bahagyang nadaplisan ng patalim. Nahinto lamang ang panggugulpi sa suspek nang mapadaan ang mga tauhan ng Philippine Army na siyang umawat sa mga concerned citizen at siyang bumitbit sa suspek sa presinto.

The post Miyembro ng LGBT hinoldap, sinaksak sa CCP Complex appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *