Miyembro ng KFR, 1 pa timbog sa Zambo

Nalambat ng mga pulis at military personnel ang umano’y miyembro ng kidnap-for-ransom (KFR) group at kinakasama nito makaraang lapagan ng search warrant at makuhanan ng iba’t ibang klase ng mataas na kalibre ng baril at pampasa­bog sa isinagawang operation, Biyernes nang madaling-araw sa Don Toribio St., Barangay Tetuan, Zamboanga City.

miyembro ng kfr 1 pa timbog sa zambo - Miyembro ng KFR, 1 pa timbog sa Zambo
MAP - Miyembro ng KFR, 1 pa timbog sa Zambo

Nalambat ng mga pulis at military personnel ang umano’y miyembro ng kidnap-for-ransom (KFR) group at kinakasama nito makaraang lapagan ng search warrant at makuhanan ng iba’t ibang klase ng mataas na kalibre ng baril at pampasa­bog sa isinagawang operation, Biyernes nang madaling-araw sa Don Toribio St., Barangay Tetuan, Zamboanga City.

Nakilala ang mga suspek na sina Saribin Jamilon alyas Renato Miñez, KFR member, at Sarah Leila Akbar Jamilon, kapwa nasa hustong gulang.

Pinasok ang bahay ng mga suspek bandang alas–dos nang madaling-araw sa Don Toribio St., Barangay Tetuan at hinainan ng search warrant.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang fragmentation grenade, rifle grenade, dalawang 7.62mm rifles at iba pang uri ng baril at bala.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Criminal Investigation and Detection Group. (Vick Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *