Mister tinubo ng kaaway na kapitbahay

Agaw-buhay ang isang mister nang paghahampasin ng tubo sa ulo ng kanyang kapitbahay na matagal na nitong kaalitan sa Malabon City, kamakalawa.

The post Mister tinubo ng kaaway na kapitbahay first appeared on Abante.

mister tinubo ng kaaway na kapitbahay - Mister tinubo ng kaaway na kapitbahay
Agawa buhay - Mister tinubo ng kaaway na kapitbahay

Agaw-buhay ang isang mister nang paghahampasin ng tubo sa ulo ng kanyang kapitbahay na matagal na nitong kaalitan sa Malabon City, kamakalawa.

Inoobserbahan sa ospital si Jojit Castro, 43, ng Brgy. Potrero. Nagtamo ito ng malalim na sugat sa ulo makaraang paghahampasin ng suspek na si Nicanor Mercado, 54, may asawa.

Sa ulat, alas-7:00 ng gabi, lumabas ng bahay ang biktima upang bumili ng pagkain. Tyempo namang nasa labas din ng bahay ang suspek at nakita niya si Castro kaya sinita niya ito. Nauwi sa mainitang diskusyon ang pag-uusap ng dalawa hanggang sa pumasok sa loob ng bahay si Mercado, may hawak na siyang steel pipe paglabas nito saka pinaghahataw ang biktima.

Tumakbo papatakas ai Mercado dala ang tubo na ginamit niya kaya hindi na siya inabutan ng mga tauhan ng rumespondeng pulisya.

Dinala sa nasa nasabing pagamutan si Castro at nabatid na matagal na silang hindi nagkikibuan ng kapitbahay dahil sa personal na alitan. (Orlan Linde)

The post Mister tinubo ng kaaway na kapitbahay first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *