Mister ni Mega napahiya sa Otso Diretso

INAKO ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangi­linan ang responsibilidad sa pagkatalo ng mga kandidato ng oposisyon sa nakalipas na midterm elections.

The post Mister ni Mega napahiya sa Otso Diretso appeared first on Abante News Online.

mister ni mega napahiya sa otso diretso - Mister ni Mega napahiya sa Otso Diretso
kiko 1 - Mister ni Mega napahiya sa Otso Diretso

INAKO ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangi­linan ang responsibilidad sa pagkatalo ng mga kandidato ng oposisyon sa nakalipas na midterm elections.

Kaugnay nito ay nagbitiw na si Pa­ngilinan bilang presidente ng Liberal Party (LP) sa pamamagitan ng resignation letter na ibinigay kay chairperson Vice President Leni Robredo.

Sinabi ni Pangilinan na responsibilidad niya bilang campaign manager ng Otso Diretso Slate ang dapat sanang tagumpay ng kanilang mga kandidato.

Inaako aniya nito ang lahat ng accountability sa kanilang pagkatalo kaya’t nagbibitiw na bilang pangulo ng partido epektibo sa Hunyo 30, 2019.

“As campaign manager for the Otso Diretso slate, I was unable to ensure our victory in the elections and I therefore assume full responsibility for the outcome and hold myself primarily accountable for this defeat and have tendered my resignation as president of the LP effective June 30, 2019,” saad ni Pangilinan.

Patuloy naman ang kanyang pana­wagan sa Commission on Elections na imbestigahan ang mga sinasabing aber­ya sa halalan tulad ng pitong oras na glitch sa transparency server, ang pagpalya ng mga vote counting machine at mga palpak na SD cards.

Bukod kay Pangilinan, nagbitiw din si Quezon City Rep. Jose Christopher ‘Kit’ Belmonte bilang secretary general ng partido.

Tinanggihan naman ni Robredo ang resignation nina Pangilinan at Belmonte, ayon sa kanyang tagapagsalita na si Barry Gutierrez. (Dang Samson-Garcia)

The post Mister ni Mega napahiya sa Otso Diretso appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *